Japan niyanig ng magnitude 6.4 na lindol

Tokyo JapanNiyanig ng malakas na magnitude 6.4 na lindol ang southeast ng Tokyo Japan, Biyernes ng umaga.

Ayon sa US Geological Survey, sa ilalim ng karagatan naitala ang epicenter ng malakas na lindol.

Ang pagyanig ay naitala sa 226 kilometres southeast ng Tokyo na may lalim lamang na 10 kilometers.

Wala namang inilabas na tsunami warning ang Pacific Tsunami Warning Centre ng Hawaii matapos ang pagyanig.

 

Read more...