Riding in tandem patay sa Pasig City

Kuha ni Jong Manlapaz
Kuha ni Jong Manlapaz

Patay ang dalawang lalaking sakay ng isang motorsiklo matapos manlaban sa mga pulis sa Pasig City.

Ayon sa Pasig City police, kakatapos lamang patayin ng dalawang suspek ang biktimang si Romeo Natural alyas Boy Myrna sa bahagi ng Afable Street Barangay Sagad, Biyernes ng madaling araw.

Mismong ang mga pulis ang nakarinig ng putok ng baril at nang dumating sila sa lugar, itinuro ng mga testigo kung saang direksyon nagtungo ang dalawang suspek na sakay ng motorsiklo.

Agad silang sinundan ng mga otoridad at naabutan sila sa bahagi ng Jenny’s Avenue sa Barangay Rosario.

Ayon kay Pasig City Police Chief, P/Supt. Orlando Yebra, nakipagpalitan ng putok ang mga suspek sa mga pulis.

Narecover sa dalawa ang kalibre 45 at kalibre 38 na baril.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng dalawang napatay na suspek.

 

Read more...