Dating OFW, patay sa pamamaril sa Parañaque City

Kuha ni Jong Manlapaz
File Photo / Kuha ni Jong Manlapaz

Isa dating Overseas Filipino worker (OFW) ang binaril at napatay ng hindi nakilalang lalaki sa Parañaque City.

Kinilala ang biktima na si Allan Francisco na dead on the spot dahil sa tinamong mga tama ng bala ng baril sa katawan.

Naganap ang insidente sa Sitio de Asis sa Barangay Martin De Porres.

Taong 2014 pa ng umuwi ng bansa si Francisco makaraang magtapos ang kaniyang kontrata bilang electrician sa Abu Dhabi.

Inaalam pa ng mga otoridad kung ano ang motibo sa pamamaril sa biktima at kung sino ang suspek.

 

Read more...