‘Yahoo’ napasok ng hackers; 500 milyong user account information nanakaw

 

23354848 - yahoo website displayed on computer screen
23354848 – yahoo website displayed on computer screen

Kinumpirma ng ‘Yahoo’ na hindi bababa sa 500 milyong ‘user account information’ ng kanilang service ang nanakaw sa itinuturing na pinakamalaking security breakdown ng naturang internet company.

Kabilang sa mga nakuha ng mga cyberhackers ang mga pangalan, email address, telephone number, date of birth, mga hashed password at maging mga security questions para maberipika ang mga account ng mga user.

Gayunman, naniniwala ang kumpanya na hindi nakuha ng mga hacker ang mga sensitibong financial data tulad ng bank account numbers at credit card data ng kanilang mga kliyente.

Ayon sa ‘Yahoo’, naganap ang data breach sa noong 2014.

Una nang lumutang ang mga impormasyong napasok ng hackers ang database ng Yahoo noong Agosto.

Payo nito sa kanilang mga kliyente, agad na magpalit ng password kung hindi pa ito nagagawa simula noong 2014 upang mapanatili ang seguridad ng kanilang account.

Read more...