15 bihag, hawak pa ng Abu Sayyaf

 

Mayroon na lamang kabuuan na 15 mga indibidwal ang nalalabing bihag ng bandidong Abu Sayyaf Grou.

Itoy matapos ang sunod-sunod na pagpapalaya ng bandidong grupo sa mga nakalipas na araw kung saan mayroong 8 kidnap victims ang pinalaya, 5 dito ay foreign nationals habang tatlo mga Pinoy.

Ayon kay AFP Spokesperson Brig. General Restituto Padilla, sa 15 pa na kidnap victims, 11 dito ay mga foreign nationals at 4 ay mga Filipino.

Samantala, iginiit ni Padilla na resulta nang pinaigting na operasyon ng militar ang sunod sunod na pagpapalaya sa mga bihag ng bandidong grupo.

Maliban dito, wala din umanong sangkot na ransom sa release ng mga bihag tulad nang mga alegasyon sa mga balita.

Pinakahuling pinalaya ng grupo ang isa pang Indonesia national.

Read more...