Pagkawala ng ex-partner ni Coun. Hero Bautista pinaiimbestigahan

 

Pina-iimbestigahan na ni Quezon City Mayor Herbert Bautista ang pagkawala ng dating live-in partner ni Quezon City Councilor Hero Bautista.

Partikular na hinikayat ni Mayor Bautista ang Quezon City Police District  na tingnan ang kaso ni Rio April Borja Santos na iniulat ng pamilya nito na nawawala noon pang nakaraang linggo.

Ayon kay Bautista, anumang intelligence report mula sa mga assets ng QCPD ay papahalagahan para mabawasan ang pinagdadaanan ng pamilya ni Santos.

Base sa impormasyon na ibinigay ng ina ng nawawala sa QCPD-Eastwood station, si Santos, 33-years old, ay huling niyang nakita 7:30 ng hapon sa kanilang condominium sa Eastwood City sa barangay Bagumbayan matapos na magpa-alam na lalabas lamang para bumili ng tubig at may kakausapin.

Si Santos ay napaulat na may kinalaman sa droga at may kaugnayan sa napatay na si Aurora Maria Moynihan- kapatid ng aktres na si Maritoni Fernandez .

Read more...