Task Force para sa mga katutubo, binuo ng DENR

 

Inquirer file photo

Lumikha na ang Department of Environment and Natural Resoures (DENR) ng isang inter-agency task force na mangangalaga sa magbibigay proteksyon at magpapaunlad sa buhay ng mga katutubo o indigenous people sa bansa.

Binubuo ito ng mga kinatawan mula sa DENR, National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) at Natural Resources Development Corp. (NRDC) na lumagda sa memorandum of understanding (MOU) na lumilikha sa Indigenous Peoples Inter-Agency Task Force (IPITF).

Ang nasabing task force ang lulutas sa mga kinakaharap na problema ng mga katutubo katulad ng land grabbing, forced eviction  at iba pang paglabag sa karapatang pantao.

Trabaho din nito na tiyakin na hindi makakaranas ng panggigipit ang mga katutubo mula sa mga negosyante na gusto lamang makinabang sa mga likas na yaman sa kinatitirikan ng kanilang mga tahanan.

Read more...