Lalakeng inakalang patay sa pamamaril, buhay pa pala

 

Isa pang lalake na una nang napaulat na ‘napatay’ sa isang drug raid sa Tondo, Maynila ng mga pulis ang ‘muling bumangon at mala-himalang nabuhay.

Nirespondehan na ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives at maging ng punerarya ang insidente ng barilan umano sa Parola Compound kung saan isang suspek ang napatay umano ng mga mga otoridad ngunit dito lamang nadiskubre na buhay pa pala ito.

Sa panayam ng Inquirer kay SPO2 Richard Escarlan  ng MPD Homicide Division, itinawag ng Moriones police ang insidente sa kanilang tanggapan upang isalang sa imbestigasyon.

Dahil homicide, ipinag-bigay alam na ng mga otoridad sa St. Rich funeral homes ang insidente upang kunin ang bangkay sa oras na matapos ang imbestigasyon.

Gayunman, nang dumating aniya ang mga tauhan ng punerarya sa lugar, wala na ang bangkay dahil dinala raw ito ng mga tauhan ng SOCO sa Gat Andres Bonifacio hospital dahil ‘buhay’ pa pala ang hindi pinangalanang lalake.

Ito na ang ikalawang kaso na nirerespondehan ng mga pulis ang isang insidente kung saan ang sinasabing napapatay sa pamamaril ay lumilitaw na buhay pa pala.

Noong September 13, nirespondehan din ng mga pulis ang kaso ng pamamaril sa dalawang lalake sa Malate Maynila na ikinagulat ng mga ito dahil sa biglang pagbangon ng isa sa mga idineklarang dead on the spot sa insidente.

Read more...