Anti-smoke belching operations isinagawa sa QC, mahigit 30 sasakyan ang bumagsak

DENR Photo
DENR Photo

Nagsagawa ng anti-smoke belching operations ang National Anti-Environmental Crime Task Force (NAECTF) sa Commonwealth sa Quezon City.

Ang task force ay pinamumunuan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at katuwang nito sa isinagawang anti-smoke belching operations ang MMDA, LTO, DOTr, DILG, DND, LTFRB, AFP at PNP.

Pasado alas 10:00 ng umaga kanina, sa tatlong testing booths na binabantayan ng mga tauhan ng MMDA, LTO at EMB, umabot na sa 43 sasakyan ang naisailalim sa smoke belching test.

Sa nasabing bilang, siyam lamang ang nakapasa at 34 ang bumagsak.

Ayon sa DENR, karamihan sa mga bumagsak ay mga pampasaherong jeep.

Kabilang din sa isinailalim sa test ang mga pampasaherong bus, mga UV, at iba pa.

Payo ng task force sa mga driver at operator ng jeep, dapat tiyakin na name-maintain ng maayos ang sasakyan para hindi ito nagbubuga ng maitim na usok.

 

Read more...