Mga Pinoy hinamon ni Robredo na manindigan para di maulit ang Martial Law

leni-robredo
Inquirer file photo

Nanawagan ngayon si Vice President Leni Robredo sa lahat ng Filipino na huwag kalimutan ang mga kuwento ng pagmamalabis noong pamahon ng Martial Law.

Ginawa ito ni Robredo kasabay ng anibersaryo ng deklarasyon ng Batas Militar ngayong araw.

Ayon kay Robredo, hindi dapat kalimutan ang 70,000 na mga Pinoy na nakulong, mahigit sa 34,000 na biktima ng torture, humigi’t kumulang 3,240 na napatay at 390 katao na nawala sa pinakamadilim na bahagi ng kasaysayan ng bansa.

Iginiit ni Robredo na responsibilidad ng lahat na hindi lamang kalimutan kundi hayaan ang mga nasabing kwento na pilipitin para magamit sa politika ang ambisyon ng iba.

Nanawagan din ang pangalawang pangulo sa mga naglilingkod sa gobyerno na patuloy na maging instrumento ng katotohanan, katarungan at ipagtanggol ang kalayaan sa pamamahayag at due process.

Kailangan aniyang bantayan ng lahat ang pagbabalik ng Martial Law at anumang elemento nito.

Read more...