Dalawang domestic flight, kanselado dahil sa sama ng panahon

NAIA Terminal 3Dalawang domestic flights ang nakansela dahil sa masamang panahon bunsod ng umiiral na Southwest Monsoon o Habagat.

Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang dalawang nakansela ay PAL Express flights.

Ito ay ang flights 2P 2265 at 2266 Manila-Naga-Manila.

Una nang sinabi ng PAGASA na makararanas ng maulap na papawirin ngayong araw ang mga rehiyon ng Ilocos, Cordillera, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon at ang mga lalawigan ng Mindoro, Marinduque, Romblon at northern Palawan.

 

Read more...