Gay troop leaders, pwede na sa Boy Scouts of America

FILE - In this Sunday, June 8, 2014, file photo, a Boy Scout wears his kerchief embroidered with a rainbow knot during Salt Lake City’s annual gay pride parade. The Boy Scouts of America's top policy-making board planned a vote Monday, July 27, 2015, on ending its blanket ban on gay adult leaders while allowing church-sponsored Scout units to maintain the exclusion if that accorded with their faith. (AP Photo/Rick Bowmer, File)
(AP Photo/Rick Bowmer, File)

Pinayagan na ng Boy Scouts of America (BSA) na makasali sa grupo ang mga gay troop leaders.

Itinuturing na “historic” at kontrobersiyal ang desisyon na ito ng BSA matapos ang napakatagal nang panahon na ipinagbabawal sa mga miyembro gays at homosexuals sa kanilang organisasyon.

Ang pasya ay pinagbotohan at umabot sa 79% ng 80-member national executive board ang pumabor na mai-lift ang ban sa mga gay troop leaders.

Sa kabila naman ng desisyon, nilinaw ng BSA na binibigyang laya pa rin nila ang mga individual chapters kung ayaw nilang kumuha ng gay adults para gawing Scout leaders o employees base sa kanilang paniniwalang pang-relilhiyon.
“This change allows Scouting’s members and parents to select local units, chartered to organizations with similar beliefs, that best meet the needs of their families. This change also respects the right of religious chartered organizations to choose adult volunteer leaders whose beliefs are consistent with their own,” nakasaad sa website ng BSA.

Ang BSA ay mayroong 2.5 million members at aabot sa nasa isang milyong adult volunteers. Nasa 70 percent ng Boy Scout chapters ay pinatatakbo ng mga church groups kaya kontrobersyal ang naging pasya na ito ng pamunuan ng BSA.

Ang Mormon Church na kilala rin bilang “The Church of Jesus Christ of Latter-day Saints” ang nagpapatakbo sa pinakamalaking bilang ng BSA chapters.

Paliwanag naman ng organisasyon, napapanahon nang alisin ang ban sa mga gay troop leaders.

Sinabi ni BSA National President Robert Gates na dapat maunawaan ng lahat na mangyayari at mangyayari din ang pagbabago kahit hindi pa nagdesisyon na magbotohan ang national executive board. “We must all understand that this will probably happen sooner rather than later,” ayon kay Gates, na dating CIA director at Defense secretary.

Ang Boy Scouts ay itinatag noong 1910, bilang “values-based youth development organization.” Sa pamamagitan ng camping, hiking at iba pang skills building activities, nagbibigay ng programa ang BSA para sa character building ng kanilang mga miyembro, ma-develop ang kanilang personal fitness, at masanay sila bilang responsableng mamamayan./Dona Dominguez-Cargullo

Read more...