Ang European Union (EU) naman ngayon ang nakatikim ng mura mula kay Pangulong Rodrigo Duterte matapos punahin ng samahan ang mga kaso ng extrajudicial killings sa bansa.
Sa talumpati ni Pangulong Duterte sa Davao City sa harap ng mga lokal na opisyal binitiwan ni Pangulong Duterte ang kanyang bagong banat sa organisasyon ng mga bansa mula sa Europa.
“I read the condemnation of the EU against me. I will tell them, ‘fuck you.’ You’re doing it in atonement for your sins,” mensahe ng Pangulo.
Giit ni Pangulong Duterte, naging ‘strikto’ lamang ang European Union sa ibang bansa dahil nagi-guilty lamang ang mga ito sa mga naging kasalanan nila noon.
Dagdag pa ni Duterte, maging ang France at Great Britain na kasapi ng EU ay pumatay din ng mga ‘Arabo’.
“And then EU now has the gall to condemn me. I repeat it, ‘fuck you,’” pahayag ni Duterte na sinundan pa ng dirty finger’.
Depensa pa ng pangulo, mga kriminal ang mga namamatay sa Pilipinas kaya’t hindi ito maaring tawaging genocide.
Dapat din aniyang isinasaalang-alang ng mga bumabatikos sa kanyang kampanya ang dami ng mga napapatay na inosenteng biktima ng mga kriminal na lulong sa droga sa Pilipinas.