Mga narco-cops isinalang na sa imbestigasyon ng PNP-IAS

PNP patrol
Inquirer file photo

Kasalukuyan ng iniimbestigahan ng PNPInternal Affairs Service (IAS) ang posibleng pagkakasangkot ng walumpu’t tatlong mga tauhan ng PNP sa operasyon ng iligal na droga sa bansa.

Ito ay matapos silang inguso ng kanilang mga kapwa pulis na una ng napasama sa “narcolist” ni Pangulong Rodrigo Duterte na sumuko kay PNP Chief Ronald dela Rosa at isinailaim ng PNP IAS sa imbestigasyon.

Ayon kay PNP IAS Deputy Inspector General C/Supt. Leo Angelo Leuterio nakuha nila ang impormasyon hinggil sa pagkakadawit ng 83 PNP personnel sa operasyon ng droga sa mga naging pahayag ng 30 pulis na nagbigay sa kanila ng mga detalye.

Ani Leuterio, sa halos ay isang-daan na mga law enforcers na pinangalanan ni Duterte na dawit sa droga at pitumpu’t anim lamang ang sumuko sa PNP pero karamihan sa mga ito ay hindi napiga ng IAS at tanging 30 lamang ang nakuhanan nila ng mahalagang impormasyon.

Nauna na ring sinabi ni dela Rosa na walang puwang sa PNP ang mga pulis na sangkot sa droga.

Read more...