1 patay, 3 sugatan sa sunog sa Pasig City

Kuha ni Ricky Brozas
Kuha ni Ricky Brozas

Isa ang patay at tatlo ang sugatan sa sunog na naganap sa tatlong palapag na bahay sa Lot 21, Block 5 Joshua Street, Bliss, Santa Lucia, Pasig City.

Kinilala ni Senior Fire Inspector Anthony Arroyo ng Pasig Fire Department ang nasawi na si Anselmo Tamayo, 50-anyos.

Habang sugatan naman ang asawa ng biktima na si Cynthia Tamayo, 52-anyos, at anak nilang si Janine-18 anyos.

Kapwa nakalanghap umano ng usok ang mag-ina at nahirapang huminga kaya dinala sa Mission Hospital.

Nasugatan din ang fire volunteer mula sa Maybunga Pasig na si Ian Saber, 28-anyos matapos mahulog sa ikalawang palapag ng nasusunog na bahay.

Umabot ng ikatlong alarma ang sunog sa bahay ni Adoracion Journales na nagsimula alas 4:20 ng umaga at naideklarang fire out alas 5:51 ng umaga.

Tinatayang P4.5 milyon ang halaga ng pinsala ng nasabing sunog.

 

Read more...