Ayon sa PAGASA, partikular na makararanas ng pag-ulan at thunderstorms ang mga rehiyon ng Ilocos, Cordillera, Cagayan Valley, Central Luzon at Western Visayas, gayundin ang mga lalawigan ng Palawan.
Ang nalalabi namang bahagi ng bansa kasama na ang Metro Manila ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na mayroong isolated rainshowers o thunderstorms.
Samantala, alas 6:06 ng umaga, nagpalabas na ng thunderstorm advisory ang PAGASA sa bayan ng Real sa Quezon.
Makararanas din ng pag-ulan dulot ng thunderstorm ang Laguna, Rizal at nalalabing bahagi ng Quezon sa susunod na dalawang oras.