Dagdag-bawas sa presyo ng langis, ipatutupad ngayong araw

 

Inquirer file photo

Magpapatupad ng dagdag-bawas sa presyo ng kanilang mga produkto ang mga kumpanya ng langis ngayong araw.

Magtataas ng ₱0.30 sa kada litro ng gasolina ang Total, Jetti, Petron, SeaOil, Caltex, PTT, at Unioil epektibo alas-6:00 ng umaga, habang nauna nang nagpatupad ang Flying V kaninang 12:01 ng hatinggabi.

Rollback naman ng ₱0.10 sa kada litro ng diesel ang ipatutupad ng mga nasabing kumpanya sa pareho ring oras.

 

Read more...