Curfew ipatutupad ng QCPD sa lungsod

 

File Photo
File Photo

Iniutos na ng Quezon City Police District sa mga police station commanders nito na ipatupad ang curfew hours sa lungsod.

Ginawa ito ni QCPD chief Sr. Supt Guillermo Eleazar kasunod ng kabiguan ng mga opisyal ng barangay na ipatupad ang ordinansa sa curfew.

Kasama sa direktiba ni Eleazar ang paghabol sa mga menor de edad na pakalat-kalat sa mga pampublikong lugar mula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng umaga.

Ayon kay Eleazar, nakatanggap siya ng mga ulat na hindi na ini-implementa ang curfew sa QC dahil sa kalituhan na nilikha ng temporary restraining order ng Korte Suprema laban sa nabanggit na ordinansa.

Una nang ipinag utos ni Quezon City mayor Herbert Bautista ang pagpapatupad ang curfew sa kabila ng TRO ng Kataas-taasang Hukuman.

Read more...