Si Gregorio ‘Greggy’ Araneta III na ang bagong chairman ng gaming technology service provider na Philweb Corp.
Si Araneta na manugang ni dating Pangulong Ferdinand Marcos ang papalit kay Roberto ‘Bobby’ Ongpin na nagbitiw sa puwesto bilang chairman ng Philweb matapos tukuyin ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang ‘oligarch’ na kailangan umanong gibain.
Sa disclosure sa Philippine Stock Exchange, tinukoy ng Philweb si Araneta bilang ikalawa sa pinakamalaking individual stockholder ng Philweb.
Isa rin sa mga director ng Philweb si ‘Greggy’ simula noong 2014.
Bukod dito, si Araneta rin ang nagsisilbi bilang chair at chief executive ng Araneta Properties at president ng Gregorio Araneta Inc., at iba pang mga negosyo.
Ang Philweb ang nagsisilbing service provider ng mga e-games ng PAGCOR bago ito naipasara.