Ayon kay Pangulong Duterte, hindi siya nanghihimasok o nangingialam sa mga usapin sa loob ng Senado dahil hindi naman niya ito teritoryo.
Ito ang reaksyon ng pangulo kaugnay sa akusasyon ni De Lima na siya ang may pakana ng hakbang na ipatanggal siya bilang pinuno ng nasabing komite na nag-iimbestiga sa mga extrajudicial killings sa bansa.
Giit kasi ni De Lima, karamihan sa mga nagpatanggal sa kaniya ay majority kaya wala aniyang duda na may kinalaman ang pangulo dito.
Sa mosyon ni Sen. Manny Pacquiao, 16 na senador ang bumoto na mabakante ang chairmanship at membership sa komite, habang apat ang bumoto laban dito at dalawa naman ang nag-abstain.
Hinala pa ni De Lima, nagalit ang pangulo matapos niyang ilabas ang testigong si Edgar Matobato sa pagdinig noong nakaraang linggo.