Kilos-protesta kontra EJK, Marcos burial at iba pang isyu, kasado na sa Miyerkules

 

Nagtakda ng malaking kilos protesta ang mga militanteng grupo kontra sa paglabag sa human rights at dumadaming kaso ng extra judicial killings sa ilalim ng Duterte administration.

Ang kilos protesta na idaraos sa darating na Miyerkules, Sept. 21, 2016 kasabay ng ika-44 na anibersaryo ng martial law.

Dadaluhan ito ng grupong anakbayan at iba pang youth groups na inaasahang magsasagawa ng campus walk out at martsa laban sa patuloy na pagtaas ng matrikula, pagbabalik ng mandatory ROTC at paglilibing sa Libingan ng mga Bayani ni dating pangulong Ferdinand Marcos.

Nanindigan si anakbayan Chair Vencer Crisostomo na hindi bayani si Marcos dahil isa itong human rights violator, magnanakaw sa kaban ng bayan na dahilan kung bakit isa nang negosyo ang edukasyon sa bansa.

Nananawagan din ang grupo para sa libreng public education sa lahat ng lebel at pagpapatigil ng tuition fee hike pati na ang pagpapahinto ng K to 12 program.

Read more...