Sekkingstad, masaya sa kaniyang paglaya

 

Kuha ni Erwin Aguilon
Kuha ni Erwin Aguilon

“I am very happy to be alive and free.”

Kabilang ito sa naging pahayag ng Norwegian na si Kjartan Sekkingstad matapos siyang mai-turn over sa mga pamahalaan nang siya ay palayain na ng mga bumihag sa kaniya na Abu Sayyaf group.

Buong pusong nagpasalamat si Sekkingstad kay Pangulong Rodrigo Duterte, Presidential Peace Adviser Jesus Dureza, at kay chairman Nur Misuari ng Moro National Liberation Front (MNLF) na tumulong na siya ay mapalaya nang matiwasay.

Pinasalamatan rin ni Sekkingstad ang Norwegian Embassy, ang kaniyang mga kapamilya dito sa Pilipinas at sa Norway at sa lahat aniya ng tumulong na siya ay mailigtas.

Masarap aniya sa pakiramdam na buhay pa siya hanggang ngayon at malaya na.

Samantala, nagpasalamat rin si Norwegian Ambassador to the Philippines Erik Forner kina Pangulong Duterte at Dureza.

Ani Forner, malaking bagay ang “personal commitment” ni Duterte sa isyung ito na nauwi sa pagkakaresolba nito.

Read more...