Walang Pinoy na nasaktan sa pagsabog sa New York-Consul General

 

Walang Pilipino na sugatan o nadamay sa naganap na pagsabog sa Manhattan, New York.

Ayon sa Philippine Consul General sa New York na si Mario de Leon, walang nai-report sa kanilang tanggapan na napahamak na Pinoy sa naturang pagsabog.

Gayunman, patuloy aniya ang monitoring kung may Pilipinong apektado ng pangyayari.

Kadalasan kasi aniya ay agad na ipinararating sa kanilang opisina kapag may kinakaharap na sitwasyon ang mga Pilipino roon.

Aabot aniya sa walumpung libong Pilipino ang nasa iba’t ibang lugar sa New York.

Muli namang nanawagan si De Leon sa mga Pinoy sa New York na maging vigilant.

Sa kasalukuyan, may mga road closure at security precautions na pinaiiral sa New York, partikular sa Manhattan kung saan naganap ang pagsabog.

Read more...