25 katao, sugatan sa isang pagsabog sa New York

new york blastIsang malakas na pagsabog ang yumanig sa New York at ikinasugat ng hindi bababa sa dalawampu’t limang indibidwal.

Ayon sa New York Fire Department, naganap ang pagsabog dakong 8:30 ng gabi roon, sa bahagi ng 23rd street sa pagitan ng 6th at 7th avenues.

Ang mga sugatan ay dinala sa iba’t ibang area hospitals.

Sa kabila nito, wala umano sa mga natamong injury ay life-threatening.

Ang pagsabog ay nangyari makalipas sumabog ang isang pipe bomb na nasa isang basurahan sa Seaside Park, New Jersey kung saan may Marine Corps charity run.

Read more...