9:09 ng umaga, niyanig ng 4.2 magnitude na lindol ang Davao Occidental, na may lalim na 11 kilometers.
Kaninang 9:25 ng umaga naman, nairekord ang 3.9 magnitude na lindol sa Surigao Del Sur.
May lalim itong 5 kilometers, at ang episentro ay nasa 9 kilometers South West ng Carmen, Surigao Del Sur.
Naramdaman ang Intensity II na pagyanig sa Surigao City.
Ilang minuto lamang ang pagitan, naitala naman ang 2.0 magnitude na lindol sa Saranggani.
Dakong 9:54 ng umaga nairekord ang pagyanig, na may lalim na 22 kilometers at ang episentro ay nasa layong 11 kilometers North West ng Maasin.
Wala namang inaasahang aftershocks mula sa mga lindol.