Tatlong hinihinalang drug pusher, arestado sa buy bust operation sa Baguio City

FILE PHOTO/Erwin Aguilon
FILE PHOTO/Erwin Aguilon

Arestado ang tatlong hinihinalang drug pusher na pawang mga babae sa isang buy bust operation sa Malcolm Square noong Miyerkules ng hapon.

Nakilala ang mga nahuli na sina Sweady Lerio, 29, residente ng Bermuda Hills Subdivision; Josephine Pasion, 28, na taga Middle Quirino Hill at Ellinor Concon na mula sa Camp Allen.

Nakumpiska sa mga suspek ang apat na transparent plastic sachets na naglalaman ng shabu.

Napag-alaman din na nagdadalang tao sina Pasion at Concon.

Hinala ng mga pulis na mga prostiture ang mga ito na nagbebenta ng shabu sa kanilang mga kliyente.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...