Hinihinalang drug pusher, patay sa shootout sa Las Piñas

crime-scene-tapePatay ang isang hinihinalang drug pusher sa Las Piñas City sa isang engkwentro sa pagitan ng mga anti-drug operatives.

Ayon sa ulat mula sa Southern Police District (SPD), kinilala ang napatay na si Raffy Cajeda na umanoy nakipagbarilan sa Las Piñas City Police anti-illegal drugs unit bandang 10:53 pm noong Biyernes sa Barangay Talon Dos.

Sinabi ng pulisya na nagsasagawa ang mga undercover police officers ng operasyon para mahuli si Cajeda nang ito ay manghinala.

Bumunot ng caliber .357 magnum revolver si Cajeda at apat na beses na nagpaputok sa mga otoridad kaya napilitan na gumanti ng putok ang mga pulis.

Nagtamo si Cajeda ng maraming tama ng baril na agad namang binawaian ng buhay.

Narekober mula kay Cajeda ang naturang baril at pitong sachet ng hinihinalang shabu.

Si Cajeda ay kasama sa listahan ng mga drug personalities ng lungsod ng Las Piñas.

Read more...