Panibagong SLEX Exit, itatayo sa Cabuyao, Laguna

Inquirer file photo

Magtatayo ng four-lane, 20-meter “friendship” road upang mabawasan ang traffic congestion sa kahabaan ng Pulo-Diezmo Road sa Cabuyao na nag-iisang daan patungong South Luzon Expressway (SLEX).

Ayon kay Cabuyao City Mayor Mel Gecolea, pangunahing proponent ng proyekto, ang nasabing public-private partnership project ay magbubukas ng bagong gateway sa Eton-Greenfield SLEX exit.

Ang naturang kalsada ay magmumula sa Eton City-ABI rotunda na dadaan sa Malitlit road patungong Cabuyao National Road sa Barangay Sala.

Ang nasabing proyekto ay partnership sa pagitan ng city governments ng Cabuyao, Sta. Rosa at ng beverage company Asia Brewery, Inc. at ng real estate developer na Eton Properties Philippines, Inc.

Dagdag ni Gecolea, ang proyektong ito ay magpapatunay na epektibo ang public-private partnership project (PPP) sa pagbibigay solusyon sa mga problema ng lungsod.

Kaugnay nito isang technical working group ang binuo para mamuno sa proyekto.

Read more...