12 drug users kabilang ang limang menor de edad, arestado sa isang drug session sa Benguet

Drugs

Arestado ang 12 drug users kabilang ang limang menor de edad sa isang drug session sa isang abandonadong gusali sa Tuba, Benguet.

Unang hinuli si Froilan Ringor, 35 taong gulang, residente ng Upper Tadiangan sa bayan ng Tuba gabi ng Miyerkules ng subukan nitong tumakas papunta sa isang gusali na nagresulta sa pagkakaaresto ng 11 iba pa kung saan kabilang ang limang menor de edad ha gumagamit ng shabu.

Arestado sa hinihinalang drug den sina Michael Novesteras, 22,mula sa Ilocos Sur; Rendel Rillera, 18, mula sa Aurora Hill; Alex Delos Santos, 32, na mula naman sa Patucanay, Tayum, Abra; Nollie Quinto, 25, mula sa Binmaley, Pangasinan; Denver Buting, 25, mula sa Sagada, Mt. Province at Mitchelle Zambrana, 29, na mula sa San Fabian, Pangasinan.

Nakumpiska mula kay Ringo ang apat na sachet ng hinihinalang shabu at 1,000 pesos na mark money kabilang ang isang sachet ng marijuana at ibang drug paraphernalia.

Nahaharap ngayon ang mga suspek sa drug cases habang ang mg menor de edad naman ay dadalhin sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

 

 

Read more...