Suplay ng droga sa bansa, kaunti na lang dahil sa Oplan Double Barrel ng PNP

high-grade-shabuMalaki umano ang naging kabawasan ng suplay ng droga dahil sa Project Double Barrel ng Philippine National Police.

Ito ang naging laman ng ginawang talumpati ni PNP chief Dir. Ronald “Bato” Dela Rosa sa kanyang pagbisita sa PRO 5 o Police Regional Office 5 sa Albay.

Ipinagmalaki ni Bato na 80 hanggang 90 porsiyento na ang nabawas sa suplay ng droga mula nang ikasa ang oplan laban sa illegal drugs.

Maliban dito, ipinagmalaki rin ni Dela Rosa na dahil sa unti-unti nang pagkaubos ng droga at pagkawala ng mga drug personalities, nanunumbalik na ang pagkakaroon ng ligtas na komunidad.

Bumisita si PNP chief Bato sa Albay bilang bahagi pa rin ng Police Service Anniversary.

Read more...