De Lima, ipipilit pa rin ang protective custody kay Matobato

matobatoBinawi na ni Senator Leila de Lima ang hiling nito kay Senate President Koko Pimentel na bigyan ng protective custody ang kanyang testigo na si Edgar Matobato.

Ayon kay De Lima, ibabalik na lang niya ang isyu sa Committee on Justice and Human Rights na kanyang pinamumunuan dahil ito naman anya ang may otoridad na magbigay ng protective custody kay Matobato na testigo sa imbestigasyon ng umanoy extra judicial killings.

Pero naalarma at nadismaya ang Senadora sa pagtanggi ni Pimentel na bigyan ng seguridad si Matobato kasunod ng testimonya nito na si Pangulong Rodrigo Duterte ang umanoy nag-utos ng mga pagpatay sa Davao City noong ito ang Mayor ng lungsod.

Pabor man si De Lima sa opinyon ni Pimentel na wala sa Senate rules ang protective custody sa mga testigo, ipinunto ng Senadora na matagal na itong gawi dahil inherent power aniya ng lehislatura na suportahan ang mandato nito na magsagawa ng imbestigasyon in aid of legislation.

Giit pa nito, tanging Senado ang pwedeng magbigay ng protective custody kay Matobato lalo’t kumalas na ito sa Witness Protection Program dahil sa takot.

Dahil dito ay pipilitin pa rin ng dating Justice Secretary na mabigyan ng seguridad ng kanyang komite ang dating miyembro ng Davao Death Squad at self confessed criminal na si Matobato.

Read more...