Sa isang panayam, sinabi ni Robredo na sana walang mangyaring impeachment dahil naniniwala siyang bukod sa hindi naman ito uusad ay lalo lamang itong makakagulo sa sitwasyon.
Mas mabuti aniya na gamitin ng enerhiya ng bawat isa sa napakaraming dapat na gawin para sa bansa.
Nakausap na aniya niya si Cabinet Secretary Leoncio Evasco Jr at Executive Sec. Salvador Medialdea at tiniyak niya na hindi totoo ang sinasabing plano ng kanyang partido na demolition job laban kay Pangulong Duterte.
MOST READ
LATEST STORIES