Bagyong Gener, hihina habang papalapit sa Taiwan

PAGASA UPDATE
Photo from PAGASA

Napanatili ng bagyong Gener ang tinatahak nitong direksyon at inaasahan na hihina ito habang papalapit sa Taiwan.

Sa PAGASA weather bulletin bago magtanghali, huling namataan ang bagyo sa 245 kilometers East ng Basco, Batanes.

Taglay nito ang hangin na 150 kilometers per hour at bugso na 185 kilometers per hour.

Ang forecast movement nito ay Northwest sa bilis na 24 kilometers per hour.

Nakataas pa rin ang Signal number 1 sa Batanes at Northern Cagayan kabilang ang Babuyan Group of Islands.

Linggo ng umaga inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong Gener.

Read more...