Widodo nilinaw ang pahayag ni Duterte kaugnay kay Mary Jane Veloso

Duterte widodo2Nilinaw ni Indonesian President Joko Widodo ang sinabi sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa meeting nila sa Jakarta noong September 9 kaugnay sa Filipina drug convict na si Mary Jane Veloso.

Sa report ng Channel News Asia, sinabi ni Widodo sa mga mamamahayag na ang sinabi umano ni Duterte ay ituloy ang proseso alinsunod sa batas ng Indonesia.

“President Durterte said please, go ahead with the process in line with the law in Indonesia,” pahayag ni Widodo sa media matapos ang pagbubukas ng bagong terminal sa Tanjung Priok Port sa Jakarta.

Unang sinabi ni Widodo na ang sinabi umano ni Duterte ay ituloy ng Indonesia kung gusto nitong magsagawa ng pagbitay at naiulat ng media na nagbigay umano si Digong ng go signal na bitayin si Veloso.

Mabilis itong itinanggi ng Malakanyang kung saan sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na ang sinabi ni Presidente Duterte kay Widodo ay sundin ang kanilang batas at hindi siya makikialam.

Nakasaad pa sa report na iginagalang ni Jokowi ang legal process sa kaso ni Veloso na nakasampa sa korte sa Pilipinas.

Pinuri rin ng Indonesian President ang consistency ni Duterte sa paglaban ng bansa kontra sa droga.

“I see that President Duterte’s consistency in eradicating drugs is really high. There is no tolerance. thus, he said that he will respect the laws in Indonesia,” dagdag ni Widodo.

Hindi natuloy ang pagbitay kay Veloso noong nakaraang taon dahil sa reprieve bunsod ng kaso laban sa illegal recruiters nito.

Naaresto si Veloso noong 2010 sa Jogyakarta Airport dahil sa pagdadala ng anim na kilo ng heroin at hinatulang mabitay sa pamamagitan ng firing squad.

Read more...