Ang Pinoy Chessmaster na si Wesley So ang siyang naging susi upang makuha ng Amerika ang gold medal sa Chess Olympiad sa loob ng 40 taon.
Ang Pinoy-born grandmaster ay nag-immigrate sa Minnetonka, Minnesota sa USA ang nagpakitang gilas sa biennial Chess Olympiad na ginanap sa Baku, Azerbaijan at nilahukan ng nasa 177 bansa.
Tinalo ng team USA ang nangungunang Russia na nakapagpanalo na ng pinakamaraming Chess Olympiad kumpara sa iba pang bansa.
Dahil sa ipinakitang husay, nakakuha rin ng individual gold si So bukod pa sa ginto para sa kanyang buong team.
Dahil sa panalo, nasa pang-anim na si Wesley So sa world ranking at number 2, naman sa US.
MOST READ
LATEST STORIES