Debris na natagpuan sa Tanzania, bahagi ng nawawalang MH 370

 

Inquirer file photo

Kinumpirma ng Malaysia na bahagi ng nawawalang Malaysia Airlines jet MH 370 ang malaking debris na nakuha sa isla ng Pemba sa baybayin ng Tanzania kamakailan.

Taong 2014 nang mawala ang naturang eroplano na lulan ang 239 pasahero at crew na lumipad mula sa Kuala Lumpur, Malaysia tungong Beijing, China.

Ang naturang debris na napag-alamang outboard flap ng isang eroplano ay muling isasalang sa mas masusing imbestigasyon sap ag-asang makapagbibigay ito ng karagadagang impormasyon sa sinapit at kinaroroonan ng MH 370.

Sa mga nakalipas na taon, ilang piraso na ng nawawlang MH 370 ang natagpuan sa ilang magkakahiwalay na lugar.

July 2015 nang madiskubre ang isang bahagi ng eroplano sa French island ng Reunion.

Pinag-aaralan na rin ang ilan pang debris na natagpuan sa Mozambique, South Africa at Rodriguez island sa Mauritius upang matukoy kung parte ito ng Malaysian airline flight MH 370.

 

 

 

 

 

Read more...