Batanes nasa ilalim ng signal number 1 dahil kay ‘Gener’

 

Mula sa pagasa.dost.gov.ph

Itinaas na ng PAGASA ang public storm warning signal number 1 sa Batanes group of islands dahil sa bagyong ‘Gener’.

Ayon 11 PM update ng state weather bureau, namataan ang sentro ng bagyo sa kayong 495 kilometro sa east northeast ng Tuguegarao City, Cagayan o 495 na kilometro east ng Aparri, Cagayan.

Taglay ng bagyong ‘Gener’ ang lakas ng hangin na aabot sa 140 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong nasa 170 kph.

Bahagyang bumilis ang kilos ng bagyo sa 24 kilometers per hour.

Matatandaang nito lamang araw, binayo ng bagyong ‘Ferdie’ ang lalawigan ng Batanes.

Read more...