Anak at kapatid ni Pres. Duterte, umalma sa mga paratang

 

Inquirer file photo

Mariing itinanggi ni Davao City Vice Mayor Paolo Duterte, anak ni Pangulong Rodrigo Duterte na sangkot siya sa pamamaslang sa negosyanteng si Richard King may ilang taon na ang nakalilipas.

Giit ni Paolo Duterte, pawang mga alegasyon at ‘hearsay’ lamang ang mga impormasyong isiniwalat ni Edgar Motabato at ni Senador Leila De Lima sa senate investigation at hindi ito karapat-dapat na binibigyan ng pansin.

Itinanggi rin ni ginang Jocelyn Duterte, bunsong kapatid ng pangulo na ipinapatay ng kanyang kapatid ang kanyang dating dance instructor (DI) noong 2013.

Pahayag ni ginang Jocelyn, walang katotohanan ang mga sinasabi ni Motabato.

Bagama’t aminado siya aniyang nasa 20 taon na siyang nagsasayaw, wala naman ni isa sa kanyang mga naging dance instructor ang namamatay o ipinapatay dahil sa selos.

Sinisi rin ni Ginang Jocelyn si Sen. Leila De Lima na nasa likod ng pagsisiwalat ng mga maling impormasyon ng umano’y self-confessed killer.

 

 

Read more...