Lalake pinagbabaril sa loob ng jeep, patay

 

Kuha ni Jomar Piquero

Patay ang isang hindi nakilalang lalake makaraan itong pagbabarilin sa loob ng jeep sa Makati City.

Nangyari ang krimen sa kanto ng Villana St. at JP Rizal Ave.,  sa barangay Poblacion sa lungsod ng Makati.

Ayon kay SPO2 Alfred Reyes ng homicide section ng Makati police, may tama ng bala sa ulo at dibdib ang hindi pa pinangalanang biktima.

Suspek sa pamamaril ay dalawang lalake na ayon sa ilang saksi ay naka-motorsiklo.

Hindi nakilala ng mga saksi ang mga suspek dahil naka-helmet ang mga ito.

Read more...