Gusto ng umuwi pero walang pamasahe

calaanan edited
Kuha ni Erwin Aguilon
Kuha ni Erwin Aguilon

Nagpalipas ng gabi sa kalsada ang mga residente na nawalan ng tahanan dahil sa demolisyon sa Calaanan Compound sa Monumento, Caloocan
City.

Matapos ang demolisyon kahapon, karamihan sa mga residente ay sa harap lang ng mga wasak nilang bahay natulog, sa pag-asang may makukuha pa silang mga gamit at materyales na maari pang pakinabangan gaya ng mga kahoy at yero.

Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ng isa sa mga residente na nakilala lamang sa pangalang “Raymond”, may mga tauhan na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang nagpunta sa lugar at nangakong dadalhan sila ng pagkain habang hindi pa sila

nakakahanap ng malilipatan.

Ang iba naman sa mga residente ay nagsabi sa Radyo Inquirer na nais nilang umuwi sa kanilang mga probinsiya ngunit wala silang pamasahe.

Umaga naman ng Miyerkules, itinuloy ng demolition team ang pagsira sa natitira pang mga bahay na kailangang gibain.

Kahapon, araw ng Martes, naging madugo ang demolisyon matapos na masugatan ang tatlong pulis at anim na iba pang residente ng Calaanan Compound.

Ang naturang lupain ay pagmamay-ari ng ng isang Alfred Yao na kilala rin sa tawag na “Zesto Magnate”.

Magugunitang sa naganap na demolisyon, Lunes ng umaga, isang pulis ang nasugatan matapos na tamaan ng sumpak. Dalawang residente naman ang inaresto, ang isa ay ang nagpaputok ng sumpak habang ang isa naman ay nambato sa mga Pulis. / Erwin Aguilon

Read more...