Testigo na iniharap sa Senado, wala sa rekord ng Philippine Army

matobato
Inquirer file photo

Wala umanong Edgar Matobato na nakatala sa record ng Philippine Army.

Ayon kay Philippine Army Spokesman Col. Benjamin Hao, taliwas ito sa mga sinabi ni Matobato na nagpakilalang Scout Ranger sa Senate hearing na isinasagawa ngayon patungkol sa extra judicial killings.

Dagdag pa ni Hao, wala ring tinatawag na CAFGU scoutranger tulad ng binabanggit ni Matobato.

Maliban dito, iginiit pa ni Hao na hindi lang mga dating rebelde ang nagiging miyembro ng CAFGU kundi maging mga indigenous people o mga katutubo.

Si Matobato ang iniharap testigo ni Sen. Leila de Lima sa nagpapatuloy na imbestigasyon ng Senado sa extra judicial killings.

Read more...