Lalaking nakabalot ang ulo ng itim na garbage bag, natagpuang patay sa harapan ng Copacabana Hotel sa Pasay

Sumambulat sa kalsada ang utak ng isang lalaki matapos pagbabarilin umano ng hindi nakilalang suspek sa harap ng Copacabana Hotel sa Zone 10 Barangay 76 EDSA, Pasay City.

Ayon kay SPO1 Melvin Garcia ng Pasay City Police Office at ang imbestigador sa kasong ito, nakarinig umano ng apat na magkakasunod na putok ng baril kaninang 5:29 ng umaga ang guwardia na si Edmund Lucas.

Si Lucas ay guwardiya ng Divino Bar na kung saan natagpuan ang lalaki na binaril.

Pero nagtataka ang mga pulis dahil nang datnan itong ang patay na lalaki ay nakabalot na ang ulo nito ng packing tape at itim na garbage bag.

Ayon naman sa ibang nakasaksi, isang kotse ang huminto sa lugar at sinipa umano ang biktima palabas ng kotse at saka pinagbabaril.

Nakasuot ng puting sweat shirt at camouflage na short ang nasabing biktima.

Narekober naman sa crime scene ang apat na basyo ng bala.

Sinusuri na rin ngayon ng Pasay PNP ang mga CCTV sa mga kalapit na establisyimento.

Read more...