Multiple murder, ikinaso sa siyam na suspek sa Davao bombing

 

Inquirer file photo

Kinasuhan na ng Joint Task Force Davao ang siyam katao na pangunahing mga suspek sa Davao City bombing na nagresulta sa pagkamatay ng labinlima katao at pagkasugat ng mahigit animnapung iba pa.

Mga kasong multiple murder ang isinampang reklamo laban sa mga suspek kabilang na ang sinasabing nagtanim ng bomba sa mataong lugar sa night market sa Davao noong September 2.

Ayon kay Davao Chief of Police S/Supt. John Michael Dubria, naging masusi ang kanilang imbestigasyon  sa kaso at na-cover umano nila ang lahat ng anggulo sa kaso.

Dagdag pa ni Dubria, sa ngayon ay ipapaubaya na nila sa matataas na opisyal ng PNP, AFP at intelligence units para madetermina kung anong grupo ang kinaaaniban ng mga suspek.

Nauna nang sinabi ng pamunuan ng PNP na tinitingnan nila ang kaugnayan ng ilang teroristang grupo at drug group sa nangyaring pagsabog.

 

Read more...