Sa tala ng PNP mula July 1 hanggang Miyekrules ng umaga, September 14, nasa kabuuang 3,077 na ang casualties sa pinaigting na kampanya laban sa droga.
Sa nasabing bilang, 1,506 ang napatay sa mga lehitimong police operations habang 1, 571 naman ang itinuturing na biktima ng summary killings o yung mga bangkay na natatagpuang may nakasabit na karatula.
Dahil dito, aabot sa 40 na mga drug suspek ang napapatay kada araw mula nang maupo si Pangulong Rodrigo Duterte sa Malakanyang.
Samantala, higit 16 thousand na drug personalities na ang naaresto ng pulisya sa halos labing walong libong anti drug operations na ikinasa ng pnp.
Umaabot naman sa mahigit 712 thousand ang mga sumukong drug user at drug pusher.