Sinampahan ng anim na counts ng paglabag sa RA No. 6713 o ang Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees si dating Paglima Sugala Mayor Nurbert Sahali, habang kasong paglabag naman sa RA 6770 naman ang isinampa laban kay municipal human resources officer na si Sherwina Juhaili.
Base sa records ng Ombudsman, ang isinumiteng SALN ni Sahali mula 2007-2012 ay pawang mga walang petsa, kulang kulang, hindi submitted under oath at hindi rin inihain sa itinakdang oras.
Samantala, kinasuhan naman si Juhaili dahil sa pagbibigay ng certification kay Sahali na ipinasa niya ang kaniyang SALN sa nakatakdang panahon.
Kaugnay nito nagpaalala ang Ombudsman ang mga public officials na hindi dapat hinaharangan o niloloko ninuman ang kanilang opisina pagdating sa pagsunod sa kanilang mga patakaran.