Magkapatid na lola, natagpuang patay sa loob ng bahay sa Negros

 

Patay na ng matagpuan ng kanilang kasambahay at kapitbahay ang dalawang magkapatid na umeedad 85 at 87 sa loob ng kanilang tahanan sa Talisay City, Negros Occidental Miyerkules.

Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Isabel Claudio, 85 taong gulang at ang kapatid nitong si Celestina, 87.

Ayon sa helper ng mga biktima, makailang ulit niyang kinatok ang bahay ng mga biktima sa Purok Santan, Zone 7 sa Talisay City Miyerkules ng umaga ngunit hindi sumasagot ang mga ito.

Dahil dito humiling na ng tulong sa mga kapitbahay ang helper upang pasukin ang tahanan ng magkapatid.

Dito na nadiskubre ang bangkay ng biktimang si Isabel sa loob ng  garahe samantalang sa kanyang kuwarto naman natagpuan ang wala nang buhay na si Celestina.

Sa imbestigasyon ng mga otoridad, hinihinalang pinasok ng mga magnanakaw ang tahanan ng mga biktima dahil sa mistulang hinalughog ang loob ng bahay ng mga ito.

Wala namang nakitang sugat sa katawan ng mga biktima kaya’t inaantabayanan ang resulta ng otopsiya sa mga labi ng mga ito.

Read more...