Sa 11:00 PM update ng PAGASA, namataan ang sentro ng bagyo sa layong 930 kilometro sa silangang bahagi ng Casiguran, Aurora.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 130 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugso na aabot sa 160 kph.
Tinatahak nito ang direksyong west northwest sa bilis na 22 kph.
Inaasahang paiigtingin ng bagyong ‘Gener’ ang southwest monsoon o habagat kaya’t asahan na ng publiko ang bahagyang pag-ulan sa Luzon at Western Visayas ngayong araw.
Hindi naman inaasahang tatama sa lupa ang naturang bagyo na inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility sa Sabado.
MOST READ
LATEST STORIES