Oklahoma Thunder forward Mitch McGary, suspendido ng 15 games

 

Inquirer.net/AFP

Suspendido na ng 15 games ang Oklahoma City Thunder forward na si Mitch McGary dahil sa paglabag nito sa anti-drug policy ng NBA.

Ang pinakahuling suspensyon sa forward ng Oklahoma City thunders ay dahil sa non-compliance umano sa drug policy ng liga.

Una rito, sinuspinde lamang ng limang laro si McGary noong July.

Ngunit dahil pa rin sa non-compliance, nadagdagan pa ng sampung games ang suspensyon ni MCGary kaya’t hindi na ito makakalaro pa sa unang 15 laro ng 2016-2017 NBA season.

Sa kabuuan, nakapaglaro pa lamang ng 52 games ang 24-anyos na si MCGary para sa Thunders simula nang maging first-round draft pick ito noong 2014.

 

Read more...