Apat patay sa anti-drug ops sa QC at Maynila

 

Apat katao ang patay sa dalawang magkahiwalay na operasyon ng mga otoridad kontra sa mga umano’y tulak ng droga sa Maynila at Quezon City Miyerkules ng hapon.

Unang napatay ng mga otoridad sa Bgy. Pag-asa sa Quezon City ang mga suspe na nakilalang sina Alex Pacora alyas Dutch, na kasama sa drug watch list ng PNP, isang alyas Macy at isang alyas Kamal.

Narekober sa mga suspek ang isang kalibre .45 at caliber .22 na baril, isang hand grenade at hindi pa matiyak na dami ng shabu.

Diumano, nagsasagawa ng Oplan Tokhang ang mga tauhan ng Masambong police station sa pangunguna ni Supt. Igmedio Bernaldez sa Sitio San Roque, Barangay Pag-asa nang paputukan sila ng mga suspek na humantong sa encounter.

Samantala, sa Maynila, napatay din ng mga pulis Plaza Miranda  police community precinct ang isang drug suspect sa raid sa mga barung-barong sa Quinta Market, dakong alas 4:00 ng hapon.

Nakatakas naman ang isa sa mga suspek na kasama umano sa nagpa-pot session sa lugar nang maganap ang raid.

Read more...