Nagbukas na ng kanilang 3rd regular session ang Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ngayong araw.
Sa senado, labing-siyam na senador ang present sa pagbubukas ng 3rd regular session ng 16th Congress habang lima naman ang absent.
Kabilang sa mga present na senador sina Senate President Franklin Drilon, Senate Pro-Tempore Ralph Recto, Majority Leader Alan Peter Cayetano at ang mga senador na sina Juan Edgardo Angara, Paolo Benigno “Bam’ Aquino IV, Pia Cayetano, Francis “Chiz” Escudero, Teofisto Guingona III, Lito Lapid, Loren Legarda, Ferdinand “Bong-Bong” Marcos Jr., Aquilino Pimentel III, Grace Poe, Antonio “Sonny” Trillanes IV at Cynthia Villar.
Present din ang apat na opposition members na sina acting Senate Minority Leader Vicente “Tito” Sotto III at sina Senators Gregorio Honasan, Nancy Binay at Joseph Victor “JV” Ejercito.
Gaya ng inaasahan hindi nakadalo ang tatlong naka-detain na senador na sina Senators Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at Bong Revilla. Absent din si Senator Sergio Osmeña at si Senator Miriam Defensor-Santiago.
Sa pagbubukas ng sesyon ipinagmalaki ni Drilon ang mga accomplishments ng Senado. Kabilang dito ang pagkakapasa ng mga panukalang batas na may kinalaman sa good governance, ekonomiya, kalusugan, edukasyon, at employment.
Samantala sa kamara, nasa 246 na kongresista ang present matapos ang isinagawang roll call.
Sa nalalabing panahon na kanilang pananatili sa pwesto, hinikayat ni House Speaker Sonny Belmonte ang mga mambabatas na ipasa ang panukalang Bangsamoro Basic Law bago matapos ang 3rd regular session ng 16th Congress./ Chona Yu, Isa Avendaño-Umali